tahimik lang

July 4, 2008 by josemargo

hindi ako mahilig magkwento.

maraming nangyayari sa buhay ko at kahit lagi ko kayong kasama, marami pa rin akong hindi nakukwento sa inyo. ewan ko ba kung bakit. hindi siguro ako sanay magtiwala. minsan nga, kahit lagi ko kayong kausap, kahit lagi ko kayong kasama, hindi ko pa din kayo pinagkakatiwalaan.

ewan ko ba, ganito lang siguro talaga ako. madamot.

Heben, pare.

July 3, 2008 by josemargo

Nakakainis kapag madami kang ginagawa pero alam mong mas madali yung ginagawa mo kapag may kasama ka gumawa nito.

Mas nakakainis kapag madami kang ginagawa pero alam mong mas madali yung ginagawa mo kapag may kasama ka gumawa nito na mas dapat naghihirap kaysa ikaw.

Pinakanakakainis kapag madami kang ginagawa pero alam mong mas madali yung ginagawa mo kapag may kasama ka gumawa nito na mas dapat naghihirap kaysa ikaw at hindi pa siya nagrereply.

heben, pare. heben.

Hello world!

July 3, 2008 by josemargo

Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!